Magang Mata
Sa wakas nakapag-pahinga rin. This week 2 lang rest day ko, dapat kasi 3 (Wednesday, Saturday and Sunday) pero nung Wednesday nagkaroon kami ng Activity/Outreach kaya walang pahinga talaga ako at un din ung reason kaya di ako nakapag-bloghop masyado.
Napapansin ko lately, lage ako maaga antukin. Before kasi 4am na, mulat pa rin ang mata ko at hindi makatulog kahit nakahiga lang ako. Ngayon kahit nasa harap pa ako ng laptop at may ginagawa tinatawag na agad ako ng kama ko. Mga 12 am sakto tulog na ako. Maganda naman un dahil hindi na ako nala-late sa school. In fairness, 1 month na pero kahapon lang ako na-late at hindi pa sana ako mala-late kung di ko na inantay umalis sila mama.
Malapit na sweldo namin and naka-lista na lahat ng bayaran ko. lols. Dami ko kasi utang na kelangan bayaran (PSP, credit card, loads, etc) . Nilista ko na nga rin lahat ng mga gusto kong bilhin, para lahat talaga mabibili ko. Kunwari ngaun buwan, shoes ang dapat kong bilhin. So bale kada sweldo dapat meron ako nabibili, para hindi sabay-sabay ung mga gusto kong bilhin. Naka-divide na lahat:
- pang-gastos for 15 days,
- share ko sa mga gastusin dito sa bahay,
- Ipon ko sa bank
- sarili kong luho
Balak ko rin mag-collect uli ng mga magazines, before kasi every month talaga ako nabili ng WITCH and K-Zone. Alam nyo un? Pero nung tumaas na ung price at di na kaya ng bulsa ko, napilitan na akong itigil. Ngayon, yung mga balak ko about fashion, gadgets and house decorations para may matutunan na rin lalo sa pag-aayos ng bahay. Meron ba kayo marerecommend na fashion magazine? Nakabili na ako ng Preview pero grabe naman ung mga recommendations nila dun ~ thousands ung price ng mga damit. Di ko kaya un, tsaka puro articles, wala naman wenta or wala akong gusto sa mga subjects nila. Sa gadgets naman, T3 approved talaga. Madami magagandang gadgets akong nakikita.
Nga pala, sa mga interested makipag-link exchange, paki-email na lang ako. Kapag through comments lang kasi or sa shout box di ko naalala e. Unlike sa email lage kong nakikita at naalala. Gusto ko na rin palitan ung layout ko, pero nanghihinayang naman ako tsaka nakakalungkot, ito kasi ung 1st layout na ginawa ko for this year.
Another interesting story, short lang to. Meron akong weird na student e. After nyang matapos ung machine problem (Computer Programming) na pinapagawa ko, inuntog nya ang ulo nya sa pader! Winner di ba? haha. Sana lang di nya to mabasa..
Tungkol naman sa title, namamaga mata ko ngaun. As in, parang sinuntok!
By the way, add nyo ako sa MSN: honeul[at]live.com.ph kung gusto nyo ako maka-chat.. Hate ko ngayon YM kasi nagka-virus na naman ako kanina. Switch muna ako sa MSN.
Blog hop ako later, gagawan ko pa ng subdomain ang kapatid ko dito. Gusto nya rin mag-blog e. lols.
10 comments





haha, nag-cocollect ka pa rin pala ng witch at kzone! haha. nung highschool pa ko updated ako sa witch. Hehe. Nag culture crash rin ako, yun naman yung pinoy comic magazone. sayang at na-dissolve na sya ngayon.
Goodluck na lang sa pag bubudget ng money at sa weird mong estudyante. Hehehe.
nax. ang ayos mo sa pera. wah. buti ka pa. hehe. labo nman nung student na yon. uhmm. di ako sure sa magazine. 17 prin bnbasa ko hngng ngyn. or pag gusto ko mlaman ang “in” na damit pero tamad bmli ng magazine.. window shopping ang sagot. hehe.
Gusto ko talaga ng psp in black!
Sarap ng may trabaho na kapwa teacher pa tayo. Noon I am a collector of K-Zone and Witch pero nung nagtaas na ng presyo tumigil na ako kahit na maganda na yung story and gusto ko yung pair up nila will and matt at cornelia and si elf boy (nakalimuts ko na name nga.) XD T3 talaga the best sa gadgets kapag nasa bench fix ako yun ang binabasa ko.
Kamusta naman ang student mo? And much better pa nga na naiba na ang sleeping hours mo kasi iwas ka sa pagod at sakit.
nangongolekta ka pla ng magazine ako dn before eh. ngayon ksi wala na ako time hehehe kya aun.. d na ako nangongolecta kakamiss nga eh
how does it feels like na magkaroon ng trabaho. hay! parang nakakatakot kasi kailangan lahat i-budget mo di gaya ng buhay ko ngayon – patabaing baboy! hehe.
uy winner nga ang student mo! hahaha.. bakit naman inumpog? lol..
ay ako din.. napapa-aga na tulog ko.. minsan din wala pa akong tulog. nasa harap lng ng pc. hoho.. good for us!
cheers!
wow ha.. buti kapa lapit na sweldo! hayy.. kakainggit!
wow talagang naka-budget ang pera hah..
dapat kasama diyan “gift for kath” lol joke lang..corny pa hehe XP
uo wag preview pang sosyalin yun, eh mga hampas lupa lang tayo..lol i used to read candy and seventeen.. yung candy ok na rin kung sa fashion lang hindi naman masyado pabagets yun..pero kung sa mga articles, para sakin pang highschool talaga karamihan dun..lol. seventeen naman ok lang din..
winner talaga ang student, nakakabaliw yata kase naman talaga yung comp programming na yan.. hehe
Wow, nagcocollect ka parin pala ng mga magazines. Usually ginagawa ko sa mga ganun, I just borrow from my friends para hindi na ako kailangan bumili. Haha
Tipid diba?
Inuntog nya ulo niya? Sayang hindi dumugo. Haha jokes lang
awww bat naman nya inuntog ung ulo nya? baka may sira.. hahaha .. nweiz tnx pala sa pagvisit mo sa mga blog ko.. lahat ng anime na pinapanood ko ay dinadownload ko sa animebreaker.com hindi ako nanonood sa mga youtube or veoh
naku sis..malaki siguro ung sweldo mo at talagang prinepare mo na ang bibilhin at gagastusin mo haha.jokeness..napakabait na bata at may share para sa gastusin sa bahay…waahh~! sana ako din i mean makapagshare din ng pambayad like kuryente or telephone. naku ako rin non mahilig sa magazines especially ung seventeen at candy..alam ko rin ung K-zone at Witch pero wala akong ganung mag hekhek..
ang weird naman nun baket nya inuntog ung ulo nya? hehe sa sobrang sakit siguro? tae..e di lalong sasakit un haha.buti natapos na niya ung program na pinapagawa mo.