Hell Week
Oh no, almost 1 week akong di nagparamdam at di nakavisit sa mga blogs nyo, sorry talaga. I was uber busy na halos wala ng time para mag-bloghop. Magbubukas lang ako ng laptop to check emails and mag-login sa messenger kung may offline messages.
Grabe, ang dami kong activities and sinimulang activities for this week. Kung naalala nyo, I promised myself na mag-eenroll ako for physical fitness and thank God, natupad na sya! Yes, guys, I started last Thursday and todo na talaga to, as in everyday ako mag-babawas ng fats sa katawan ko. Ansarap pala ng feeling kapag pinagpapawisan ka and you know na meron mawawalang excess fats sayo. Mamaya, maghahanap ako ng dietary program para balance talaga ang exercise ko and food para madali pumayat, da vah? lols
Anyway, buti na lang at wala akong seminar for tomorrow dahil super pagod talaga ako sa mga school added activities/task. Marketing ang line ko ngayon, career talk ang business ko. Mahirap rin pala yun at nakaka-stress lalo na pag-public school and pinuntahan.
By the way, natikman nyo na yung spicy kani roll ng tokyotokyo? wow, the best talaga ang sushi, sarap to the max! Yun lang need ko, busog na ako!




